Ang Mabuting Pamumuno

Noong nakaraang Agosto, ipinagdiwang natin ang isa sa ating DELITE Values, Leadership o Pamumuno, kasabay ng paggunita sa Wikang Pambansa. Iba-iba man ang istilo ng ating pamumuno, iisa lang ang ating layunin.

Pinangunahan ng mga pinuno ng Business Process Excellence ng SM Mart ang kanilang selebrasyon ng tampok na DELITE Value, ang Pamumuno. Siniguro nila na ang bawat isa ay nakikilahok sa lahat ng kaganapan o programa ng SM.

Ang Wear Me, Bring Me+ ay isang paraan para magtipon o magsalu-salo ang mga miyembro ng kanilang departamento. Nagsuot sila ng kulay lila na mga kasuotan, naghanda ng mga kulay lila na pagkain, at nagdiwang ng pagiging lider ng bawat isa.

Ang pamumuno ay higit pa sa iyong posisyon. Bilang mga pinuno sa sarili nating paraan, tungkulin natin na magbigay ng inspirasyon sa mga tao sa ating paligid. Ito ay hindi lang sa salita, kundi pati na rin sa ating mga ginagawa. Dapat tayong maging mabuting impluwensya at magandang halimbawa sa iba.

Marapat na lahat ng ating mga sinasabi at ginagawa ay may integridad. Kailangan ng malinaw at maayos ang komunikasyon sa iba upang maitaguyod ang positibong kultura at kapaligiran. Sa pamamagitan ng mga ito, ang mga tao ay magiging mas masaya at mas produktibo sa trabaho. Magbibigay-inspirasyon din ito sa kanila na maging mas mahusay na bersyon ng kanilang sarili.

Isinulat ni Jenn Ching, Vice President ng Business Process Excellence Department ng SM Mart, Inc.

💪👩‍💼 #DELITELeadership #OnlyAtSMRetail #SoMuchFunAtSMRetail

SMuch career opportunities await you here at SM Retail! Join us today.

+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
+1
0
Scroll to Top